Si Judy Ann Santos ay ipinanganak ng kanyang mga magulang na sina Manuel at Carolina Santos noong Mayo 11, 1978. Siya ay kilala bilang Juday. Ang kanyang mga magulang ay naghiwalay noong siya ay tatlong taong gulang. Si Judy Ann ay may dalawang pang kapatid na mas matanda sa kanya . Si Jeffrey at ang kapatid na babaeng si Jackie. Ang kanyang ina ang namahala sa kanilang paglaki nang ito ay naghanap buhay bilang isang caregiver sa Toronto, Canada magmula nang sila ay maiwan ng kanilang ama. Mayroon din siyang mga kapatid sa ama na ngayon ay naninirahan na sa California, U.S.A.
Nag-aral siya sa Assumption Convent/Our Lady of Peace Antipolo at Mount Carmel College sa Lungsod Quezon at matapos noon ay ipinagpatuloy ang pag-aaral sa Center for Asian Culinary Studies sa ilalim ni Chef Gene Gonzalez kung saan siya ay nagtapos nang mayroong karangalan. Sa ngayon ay nagsasanay siya upang magkaroon ng sertipiko bilang isang propesyonal na chef. Nagmamay-ari siya ng isang restawran na tinawag na Kaffe Carabana' na matatagpuan sa Lungsod Quezon. Ngunit nagsara na ito. Nauna na siyang nagkaroon ng isa pang restawran, ang Kaffe Kilimanjaro ngunit nagsara rin iyon.
Siya nagsimula ang kanyang karera bilang isang batang artista at unang nakilala noong siya ay walong taon gulang. Siyaa y nakilala pagkatapos mag audition at pumasa sa Regal Films upang gumanap para sa palabas sa telebisyon ng GMA 7 na pinamagatang Kaming Mga Ulila. Bago pa niya simulan ang mahabang karera sa ABS-CBN 2, siya ay gumanap na Ula sa Ang Batang Gubat para sa IBC 13. Ito ang unang palabs na kanyang pinagbidahan sa gulang na sampung taon. Taong 1992 nang siya ay gumanap baling Mara sa palabas na Mara Clara para sa ABS-CBN 2. Lubos pa siyang nakilala sa larangan ng pag-aartista dahil sa Mara Clara. Siya ay naging bida sa mga palabas na Esperanza, Sa Puso Ko Iingatan Ka, Basta't Kasama Kita, Krystala, Sa Piling Mo, Ysabella na palabas sa ABS-CBN 2. Lumabas na rin siya sa isang pangkabataang programa, ang Gimik. At simula noon nagtuloy-tuloy na ang kanyang karera sa larangan ng showbiz.
Noong Nobyembre 2006, nabigyan naman siya ng sarili niyang bituin sa Philippine Walk of Fame. Noong Marso ng 2007, napasama siya sa Paradise of Stars sa Mowelfund. Ang dalawang ito ay pinangunahan ni German Moreno.
Sa kanyang pag-aartista sa loob ng halos 20 taon, marami na siyang mga nakasamang mga sikat na artista, kabilang na sina Fernando Poe,Jr., Dolphy, Sharon Cuneta, Christopher de Leon,Connie Reyes, at marami pang iba. Sa dami na rin ng kanyang mga pelikula at palabas sa telebisyon, marami rin siyang nakatambal at nakaugnay sa iba't ibang proyekto. Kabilang na si Wowie de Guzman, ang yumaong si Rico Yan, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Robin Padilla, ang kanyang kasalukuyang karelasyon maging sa totoong buhay na si Ryan Agoncillo, at marami pang iba. Ang nangangalaga sa kanyang karera ay ang kilala rin sa syobis na si Alfie Lorenzo.
Bukod sa pag-arte, siya din ay nag record at nag release ng sariling album. Una siyang nagkaroon ng sariling album noong 1999 na ipinrodyus ng Viva Records. Taong 2001 nang ito ay masundan at katulad ng pamagat ng kanyang pagdiriwang sa telebisyon ng kanyang anibersaryo, pinangalanan itong Bida ng Buhay Ko. 2007 ang pinakahuli niyang album sa ialim ng Star Records na may pamagat namang Musika ng Buhay Ko Ipinakita nito ang naging karera niya sa mundo ng syobis sa pamamagitan na rin ng kanyang personal na pagpili sa mga kantang ginamit sa mga pelikula at palabas sa telebisyon. Kumanta rin siya ng dalawang awitin: ang Thanks to You at Ikaw Lang.
Taong 2006 nang sa kauna-unahang pagkakataon ay kunin siya at ilagay ang kanyang larawan sa mga magasin, ito ay sa Cosmopolitan. Nang sumunod na taon, kinuha na rin siya ng iba't iba pang mga magasin sa bansa tulad ng Preview, Mod, Metro at Marie Claire.
Sa kanya namang pagdiriwang ng kanyang anibersaryo sa A-list, Hi!, Star Studio at Yes!. Bukod dito ay itinampok na rin siya sa YES! magasin sa unang beses ng mag feature ito ng 100 Pinakamagandang mga Atrista sa Pilipinas.
Sa ngayon ay mayroon siyang asawa na si Ryan Agoncillo, na nagsimula bilang modelo at host ngunit hindi nagtagal ay nagsimulang umarte at kanyang nakapareha sa palabas na Krystala. Marami pang pelikula ang kanilang pinagbidahan. Noong 2006 unang pinalabas ang pelikula nilang Kasala, Kasali, Kasalo. At nang sumunod na taon pinalabas ang karugtong na pelikulang pinamagatang Sakal, Sakali, Saklolo. Silang dalawa ay nag-ampon at itinuring na sariling anak ang isang batang nagngangalang Johanna Lois o Yohan. Si Ryan at Juday ay nagpakasal noong taong 2010. Ang kanilang kasala ay ginanap noong Abril 28, 2010 sa San Juan, Batangas. Sa ngayon sila ay may lalaking anak na pinangalanang Lucho. Sa kasalukuyan, si Judy Ann ay host ng kakatapos lang na Pinoy Master Chef.
Pinagkunan ng mga artikulo:
Filwikipedia. (2006). Judy Ann Santos. Galing sa http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Judy_Ann_Santos.
Pinoy Artist. (2011). Judy Ann Santos. Galing sa http://www.pinoyartist.com/2011/11/judy-ann-santos-biography.html
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento